Kung ganito na ako, ano ka pa?

•December 30, 2011 • Leave a Comment

Marahil marami tulad ko ang sasang-ayon saken if i say that this year isn’t a nice one lalo na for those na tinamaan ng kalamidad sa buhay parang si sendong lang na dumating unexpectedly and worst is, it came sneaking in the middle of the night parang magnanakaw lang na hindi mo namalayang nalimas na ang lahat kundi mo pa nakitang wala nang natira. Oh yes, napapa-OO ka ba with two hands up isama mo na pati paa na sinasabe na ding suko na, give up, surrender, white flag na kase wala na at wala na talaga!  Mahirap talagang pagsabay-sabayin ang lahat lalo na kung mahina ang kalaban at kung pwede lang humingi ng break, malamang ginawa mo na o kaya inagaw mo na ang pito sa referee pumito ka na at sumigaw ng time-out, minsan pa makakapagreklamo ka na sa committee at magdedemand ng foul o kaya mas matindi pa-thrown out mo na lahat ng mga problema pero sabe nga committee’s decision “be sport” na lang acceptance ika nga bawi na lang bukas ganun daw talaga kapag inaalat parang contest sa tansan madalas better luck next time pero kung hanggang championship alat pa rin bayaan mo nang magsara ang season na ‘to at me bubukas namang bagong season ulit.

 

Sports are made to test your patience – learn to wait for your turn and best luck;

it builds your discipline — it teaches you to control and accept results;

it gives you strength — it develops your mind and your soul and above all follow the golden rule Never, Never, Never Give up” and Life is Sports, it beats you hard, it knocks you down and drag you low but the best part is when you rise and stand above of it all.  Marami sa paligid natin ang higit pa sa mga dinadanas natin ngayon, mas grabe pa ang mga pinagdaanan pero malamang isa pa rin sila sa mga nasa paligid natin, nakatayo, tumatawa, nakakasama at higit sa lahat dumadamay kaya wag mong isiping katapusan na ng lahat, sabe nga ni popoy nung nawala si basya — “iniiwan tayo ng mga taong mahal natin kase me darating na mas okey, yung ‘di tayo iiwan” pero ganun pa man hindi ko sinasabeng madali, hindi ko sinasabeng hindi masakit kase naramadaman ko din ito pero sa mga narinig ko, nalaman ko at nakilala ko, nasabe ko sa sarili ko “kung ganito na ako, ano ka pa?” pero andito ka pa rin, ang astig mo.

In this coming 2012 let all those of 2011 pass…Make a New You, Start Fresh and Live like you have just begun, Happy New Year Pipz!

At PEACE

•October 17, 2011 • Leave a Comment

In the midst of darkness whilst everyone’s at peace.

I found myself mumbling on the sphere side of this earth, where my mind speaks to its self and this heart is stumbling upon the whirlwind changes, that has taken over places to the life of its owner.

It’s only these puffing smokes which gives this dim a bit spark of a light and in every raise of white silhouette traces in the air, comes along are the unstoppable liquid in pain rolling and racing to each other from all sides, hurrying to drop and reach the ground and this is because of the agony that is prolonging over, tearing my chest apart and made these breathing so difficult, that it hardly get through at the top of my lungs and this head is screaming with a lot of words that are lost out of translations;  Words that cannot be uttered but only tears can explain.

Do you know how it feels like to live like dead?

Can you find a way to breathe in when there is no air around?

How can you heal a wound that keeps on bleeding?

Well, it’s what we called LIFE…and it left us no choice but to deal with it.

Airplanes

•June 27, 2011 • Leave a Comment

Everyday on my way home.  I always find myself on this empty sided space of the seat on our bus and everyday, I always used to see those planes. One by one they were making their way flying to where they were headed to.

When I was a kid, I always wave at each plane that I saw up there in the sky and shouting names of my love ones whom I feel like calling. Whenever they were there with me and mostly when they were apart from me.  My kids used to do this as well and always yells out my name for each plane as I am this far from them across the miles.

I remember how I used to do this before and how’d I wish I could also do that still, though on this age with two kids.  Feel like child again, wave at each plane and shouts a name to each and every plane that will pass on my sight. Your name, you were all I ever wanted to feel like shout at and scream all this trapped feelings inside of me, yell it out to the point of loosing my strength and just breakdown. Maybe, somehow it would lessen these burden I have in my heart.

Cried out because we really didn’t had a bit of chance in bidding each other goodbyes.

I longed for this  to let you hear me saying farewell and you bidding me goodbye. Not so long. Not for now but FOREVER. Every night of my every prayers,  I always ask that somehow, whenever would that will be  – We could face each other,  so I wouldn’t be here stand still and wait for you to come back though at the back of each uttered words at the back of my head – it screams the truth that you’re not coming back, you left, you’re gone and will never come back again.

I have never thought that it would hurt like this, so much that;

It feels like tearing myself apart.

Breaking my heart into pieces.

Falling into ground and…

Dying to die.

It’s really not easy without the other half. It’s really hard to do everything on your own.

Each day and each moment passing in each time of your life is a torture of how the hell in part of earth you kept your heart beating and your lungs breathing. 

There is only One thing I really wanted to know and let you know…I really hope that you’re doing fine out there without me because am not doing so good in here without you, harder than I could have imagine it will be. Its worst than I could have ever been a nightmare.

BID ME GOODBYE…that’s all I ever wanted to have.

Coffee

•May 11, 2011 • 1 Comment

Its simply an adrenaline…it keeps you going and keeps you up but for whatever it would kept you from being, it is also the most reason of keeping a talk with someone.

I simply LOVE coffee.

Certified Coffee addict!

The Journey

•April 27, 2011 • Leave a Comment

It’s a long and winding road…minsan sa sobrang winded nahilo ka nang sumunod sa ikot, minsan din sa sobrang hilo humihinto ka na para magpahinga naman kahit sandali or to catch your breath pero ang iba talagang tumitigil na.

Sometimes it’s a long road thats full of humps at marami ding lubak at dapat lang umiwas ka sa lubak dahil mahirap madapa lalo na kung maputik at di ka na makabangon pa, then slow down sa mga humps  ahead or better be watchful where you’re heading, para alam mo kung ano ang signs at baka dead end na pala tapos maramdaman mo na lang ang pagsalpok ng mukha mo sa matigas at batong pader – Masakit yun diba?

Pero kahit ano pa man ang piliin nating daan for sure meron talagang acquaintance party ang mga routes and in the end, we all end up sa iisang byahe — Ang Buhay a.k.a. LIFE.

Maraming kwento ang bawat buhay ng bawat tao…Merong mahaba dahil tumagal ang sindi ng kandila nila, meron ding sandali lang dahil na switched off agad ang ilaw nila, meron namang iba hindi na nabigyan pa ng liwanag ang mga mata pero naampon panandalian ni Mother  Earth at ang iba naman sila na mismo ang nagsara ng mga bintana ng kaluluwa nila — sa napakaraming dahilang tanging sila lang ang tutoong nakakaalam, mga bagay na marahil sinadya ni playful fate kase ayun talaga ang tadhana nya or nangyari dahil tulad ni Cinderella, me time limit talaga ang pag-stay nya.

Parang…Once upon a time ng buhay ko na nakasama ko ang “KNIGHT in the shining Armor” ko (ikaw ‘yun) we lived happily kahit may mga witches at cursed at kahit pa minsan…pinatulog ng poisoned apple ang love story natin, nabuhay pa rin ang lahat sa isang halik mo na una ko nang nadama hindi pa man tayo nagkakasama — sa panaginip ko na buhay na buhay ang mga halik mo, ‘yun nga lang we didn’t end up ever after dahil di na tayo kinantahan ni Adam Sandler ng Grow OLD with you kahit sinabe ko pang gusto kong mabuhay less of 1day sa span of life mo, dahil ito pala ang greatest fear ko – ang mabuhay ng kalahati na lang…akala ko pa naman, ASO lang ang kinatatakutan ko and whats worst lahat ng BEST and GREATEST part ng HALF ko ang nasa ‘yo.


Literally
…Nalulungkot ako, Logically…Patay na AKO!

Ganito pala talaga ang sequel ng kwentong may twist sa dulo, akala mo me karugtong pa pero wala na pala – BITIN.  Parang IKAW at AKO — parang TAYO…nagsisimula pa lang at pa-climax na sana, nag-THE END na si direk pero kahit ganunman, I enjoyed each and every part of it na kahit minsan sa madalas nananalo ang kontrabida, na-overcome naman yun ng last part na ikaw ang BIDA, ikaw na.

BIDA ka talaga ng buhay ko at ng buhay ng mga taong nakasama mo lalo na sa mga Production Numbers  mo (mga anak natin), talaga namang nabuhay nila ng husto ang ROLE mo at sa kanila nakikita kita…nakikita ko tayo at kung mabibigyan tayo ulit ng break ni direk – pipiliin ko pa ring maging leading lady mo at ikaw ang leading man ko.  Sana nga naging pelikula na lang ang lahat at walang katotohanan, para sa true life ANDITO KA PA…minsan mahirap talagang maniwalang tutoo ang FAIRY TALES o ang FOUR LEAF CLOVER pero napasakay mo pa rin ako at sumakay naman ako, kaya lang in my face pa rin ang SAD ENDING.

Kaya kahit na ano pa man ang maging kwento ng pelikula natin at takbo ng bawat byahe natin, IPAGPATULOY lang natin ang pelikula, sabe nga “The show must go on” at idirecho lang ang byahe ng bawat isa, dahil lahat naman talaga tayo makakarating pa rin sa paroroonan – sabe nga, una-una lang yan nagkataon lang na mababa ang nakuhang que number ng iba kaya naunang i-served ang Purpose of Driven LIFE nila, so tayong naiwan sa kwento at sa byahe…kung mapagod tayo at maisipang magpahinga ‘wag yuyuko, tumingala at damhin ang pintig ng puso at bawat hininga kasabay ng pagpapasalamat sa nasa taas.

Sabe sa hula

•April 24, 2011 • Leave a Comment

Kung dati hirap na akong tuntunin ang patutunguhan ko, ngayon talagang masasabe kong nawawala na ako at kung saan man ako patutungo hindi ko na din alam, hindi ko na din alam kung saan ako gustong padparin ng Playful fate as we said, hindi ko talaga sya trip kalaro mahirap ang mga gusto nyang games ni walang rules and regulations basta ang alam ko at this point and time “madaya” sya kase lahat pabor sa kanya, mahirap talagang hulaan kung ano ang gusto nya.  Tulad ng paghula kung ano ang bukas bukod sa petsa nito, parang yung bulaklak na pinadala saken nung birthday ko, kahit di naman ako nag-selebreyt, hanggang ngayon andito pa sa lamesa ko natutuyo na nga pero hindi ko pa rin alam kung sinong nagpadala basta salamat kay “Just SOMEONE” na ang hirap hulaan kung sino sya, hindi ko din nahulaan na papaiyakin pala ako ni ate sa cake na surprise nila saken ni ser at ang surpresang handog ng buong kabahay ko sa flat408, kahit napaghintay ko sila ng matagal, wala talagang kumain hanggat di ako dumadating, salamat talaga.

Pa’no ko nga ba mahuhulaan kung ano ang kakainin ko bukas kung hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang kumain o kaya naman, hulaan kung kelan titigil ang pag-iyak ko kung hanggang ngayon parang kahapon lang ang lahat, malalaman ko ba kung hanggang kelan ang sakit kung kahit isang araw di mapahinga ang mata ko sa kakaiyak at ang puso ko sa kakasakit nito?  Marami talagang bagay dito sa mundo ang hindi natin pwedeng pangunahan kahit science pa, minsan sumasablay pa rin at kahit si Nostradamus pa hindi kayang sabihin ng eksakto ang mga pangyayari, kung kelan at kung paano, tanging iisa lang ang me alam ng lahat dahil sya ang me hawak ng blueprint ng bawat isang andito sa mundo — tanging si “Pareng Jess” lang, kahit minsan sa dalas ng mga lindol sa japan at bagyo saten sa pinas eh parang gusto mo nang magkasolian ng kandila, sa tutoo lang wala din naman talaga tayong ibang matatakbuhan na alam nating di tayo mahi-hindian kundi sya lang naman talaga.  Bukas, paggising ko hindi ko din kayang hulaan kung ano ang magiging araw ko, kung ano ang mararamdaman ko pero sa ngayon, sa isang bagay lang ako sigurado…iiyak na naman ako mamaya at mararamdaman ko na naman ang pagkawala mo, sayang nga lang kung sana nahulaan ko ang mga dumating na bukas sa buhay natin sana, hindi na ako umalis sa tabi mo.  Sabe nga ng “Moffats” – Life is so short, so we should live our life to its fullest kahit alam naman nating di nagpapatalo si regrets at least mabawasan man lang ang role nya sa buhay natin at ngayong Easter Sunday…Magtika tayo, isipin natin ang mga pagkakamali natin at magpatawad sa mga nagkasala saten kahit akala natin unforgiven pa and let GOD drive our life para di masayang ang mga natitirang bukas – Forget the past, Live for today and Look for tomorrow…wag nang hulaan pa or magpahula kung anong meron bukas basta what has happened, had happen and no one can turn that back.

Its better to give than to receive ika nga, kaya ibigay mo lang lahat and its much better to be humble than haughty kaya wag nang magpaka-escaryote or pilato na naghugas-kamay sa kasalanan, lets just Forgive kahit di pa kayang mag-forget pero AKO..?  Spare me for now, I just can’t really forget my past sa ngayon kase andun si PAPAY ko at ang lahat ng mga ala-ala namin na di ko pa kayang iwanan at di ko maiiwanan kailanman.  HAPPY EASTER na lang to EVERYONE!!!

mamaya na lang

•February 20, 2011 • Leave a Comment

Mamaya na lang talaga, babalikan kita PROMISE…kapag pwede nang tumingin ang mata ko ulit sayo, naglalakbay pa sya sa  kawalan at nagpupumilit pa magpinta ng “work of art” na indi ko din alam kung ano at kung bakit pilit nyang pinupuno ng kulay ang blank space kahit di naman kailangan, drowingan daw ba ng rainbow, minsan sa dami parang color wheel na, napapa-cartwheel tuloy ako sa sandamakmak na kulay nakakalito at isa pa huhulihin ko na rin ang pag-iisip ko at sana mabalik ko na sya sa cerebrum ko para indi na lumipad na parang butterflies, dumadapo kung saan saang flower para sa matamis na nectar.   Pero teka, bakit nga ba ako magsusulat?  Ano nga ba ang gusto kong isulat at tungkol ba naman saan?  Tsk tsk…mukhang bad idea talaga ang ginagawa ko, wala din yata ako sa sarili ko eh nagka-amnesia na yata ako, kung bakit ba naman kase madalas ugali natin ang magpatumpik tumpik, magpabagal bagal at magkuyakoy parang government employee lang nagbabantay lage ng wall clock tapos kung kelan malapit na ang oras biglang magmamadali, tatakbo, hahabol at pagkatapos hahangos, di bale sana kung makakaabot ka o kung maaabutan pa at kung mai-aabot nga kaya lang, sabe nga ang buhay parang CHESS — Touch move at may Time limit ang pagtira at pag-iisip.

Kapag nakita mong luto na ang sinaing mo, wag ka nang magdalawang isip na patayin ang apoy at baka masunog, uusok yan at mangangamoy pa, kaya ang resulta malalaman pa ng kapitbahay, minsan nga mas naamoy at nalalaman agad ng iba kesa sayo mismo sa sarili mo na sunog na pala ang sinaing mo, magugulat ka na lang at sisigawan kang “sinaing mo sunog!” (kung rice cooker pa, ok lang).  Kung mapupuno na ang timba, ‘wag ka nang maghintay na umagos pa at masayang ang dapat na sana ay pwede pang magamit sa iba, isara mo na ang gripo para wala ng tumulo at kung nakita mo nang makulimlim na, isilong mo na ang sampay, kapag humangin ng malakas liliparin pa yan sa kabilang bahay baka maputikan pa, pero alam mo bang lahat ng bagay sa paligid naten may gamit, minsan kailangan mo lang hanapan pa ng ibang pakinabang para mag-level up, lahat ng tao sa buhay naten mahalaga kahit nga mga alaga nating aso, pusa o baboy, mahalaga pa sa minsang iniisip mong sapat na at lahat ng mga pangyayari sa buhay natin may dahilan, mabulagan ka man ng katotohanan malalaman mo pa rin na kasinungalingan yun, madaya ka man ng kamalian pwede mo pa ring mabuko na hind pala tama, kase sa buhay maraming pagsisisi ang ginagawa pati simpleng pagpapakulot ng buhok, pagdating na magsawa na tsaka magsisisi pero kung may pagkakataon pa na idiretso ang lahat ng kumulot, gawin mo na meron namang rebonding kesa naman sa ipagupit mo ang inalagaan mo ng matagal, ‘wag ka nang mag-mamaya pa, sabe nga ng titser ko nung grade1 — daig ng maagap ang masipag, kwento yun ng pagong at matsing.

Simple lang naman ang gusto kong sabihin, “it’s really LATE to cry over a spilled milk” so bakit mo naman papabayaang matapon at masayang kung pwede mo namang ingatan at agapan “right there and then, before it gets too late” davah?

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 32 other followers